Children’s Book Tungkol sa Parte ng Katawan, Patok sa mga Netizen. Sold-Out sa Isang Online Shop

Babasahan niyo ba ang inyong mga anak ng children’s book na ‘Ako Ay May Titi’?

Sa Facebook post ng Lampara Books, kanilang binahagi ang kanilang libro na may pamagat na ‘Ako Ay May Titi’.

Ang nasabing libro ay sulat ni Genaro Gojo Cruz, na bukod sa pagiging manunulat ay isa ring propesor.

Paliwanag ng Lampara Books, ang nasabing libro ay para maturo sa mga bata ang kalahagahan ng pagprotekta sa anumang parte ng katawan, kasama na ang naturang private part.

“Nakasanayan na kasi natin na mahiya sa usapin ng bahaging ito ng katawan pero paano malalaman ng mga batang lalaki ang pag-iingat sa kanilang titi kung hindi natin sila tuturuan,” ayon sa publisher.

Sang-ayon naman dito ang mga netizen, na tingin ay hindi dapat ikahiyang pag-usapan ang nasabing parte ng katawan at mahalaga ring maituro din ito sa mga bata.

“I recommend this book for young learners. Teaching Science is effective when incorporated with stories and illustrations,” ayon kay Nico Gil Gonzales.

“Di dapat ikahiya na ituro sa bata yan kasi bahagi ng katawan yan tulad ng mata, ilong, tenga, kamay, at paa. Matatanda lang naman naglalagay ng malisya kaya “nakakahiya” e,” saad pa ng isang netizen.

Sold out na ito sa isang online shop.

Print screen from Shopee

The post Children’s Book Tungkol sa Parte ng Katawan, Patok sa mga Netizen. Sold-Out sa Isang Online Shop appeared first on Daily Trending Feed.


Source: Daily Trending Feed

No comments:

Post a Comment