Isang grupo ng mga magkakapit-bahay ang pinagtulungan ang isang matanda sa Gua, Barbaza, Antique. Makikita sa video ng grupong Ibang Trip To, kung paanong nagkaisa ang mga tao upang tulungan si Lola na nagngangalang Aling Anastasya. Sa edad na 84, ay kuba na ito maglakad dahil sa pananakit ng kanyang likod.
Mula sa video, mapapanood na inaalagaan nito ang kanyang apo na may kapansanan mula pagkabata. Ang matanda ay kasalukuyan ding nakikitira lamang sa kanyang mga kamag-anak.
Nakakatuwa ang mga kapit-bahay nito dahil may sorpresa silang dala para kay Lola Anastasya. Ngunit kailangan muna niyang masagot ang tanong ng grupo upang makabunot sa Mystery Arinola na naglalaman ng cash na kanilang gagamitin upang ipang-grocery ng mga kailangan ni Lola Anastasya.
Matapos ang ilang mga tanong na hindi masagot ni Lola, ay tinanong ng grupo ang pangalan nito na naging dahilan upang makabunot na siya sa Mystery Arinola.
Talagang napakabuti ng grupong Ibang Trip To, dahil sa dulo ng kanilang video ay ipinakita nila ang kanilang susunod na tutulungan kung saan, umakyat pa sila ng bundok para lamang marating at maiabot ang tulong nila sa isang matanda na mag-isang naninirahan sa bundok. Mag-eere ito sa September 4, Friday, 1PM.
Talagang kahanga-hanga ang grupong ito, dahil sa likod ng hirap ng buhay, nagawa pa rin nilang tumulong sa kanilang kapwa. Ang kanilang tanging hiling lamang ay ma-share ang kanilang page upang maging inspirasyon sa maraming mga tao.
Panoorin ang kanilang video sa YouTube link:
Narito naman ang kanilang Facebook link:
KAWAWANG MATANDA, PINAGTULUNGAN NG MGA KAPIT-BAHAY
KAWAWANG MATANDA, PINAGTULUNGAN NG MGA KAPIT-BAHAYAng Vlog #2 ay tungkol kay Nanay Anastasya na sa edad na 84, ay halos kuba na siyang maglakad. Dahil sa kanyang karamdaman, ay hirap na hirap na siyang kumilos at maki-halubilo sa ibang mga tao.Ang isa pa sa nagpapabigat ng kanyang kalagayan ngayon, ay ang pag-aalaga sa kanyang apo na may kapansan simula sa pagkabata nito. Bagama’t nakahiga na lamang ang kanyang apo, sa kanyang nanghihinang katawan, ay kailangan niyang magpaka-lakas upang maging maayos ang buhay ng kanyang inaalagaan sa likod ng mga kakulangan sa buhay.Sa ngayon ay nakikitira lamang sila sa bahay ng kanyang pamangkin kung kaya’t napakalaking bagay na sila ay may nasisilungan.Kahit masayahin si Nanay Anastasya, ay makikita mo sa kanyang mga mata ang lungkot at hirap ng buhay. Sa ating maliit na handog sa kanya mga Ka-Trip, nawa ay sa tulong ng ating Makapangyarihang Diyos, ay maibsan ang bigat na kanyang dinadala.Salamat mga Ka-Trip sa inyong panunuod sa ating video,Suportahan po natin ang ating YouTube at Facebook Page. Please subscribe, like at share po natin ang Ibang Trip To Channel.YouTube Page: https://youtu.be/pfvBJ44kD3YFacebook Page: https://ift.tt/2De7b5t / YouTube / Instagram: Ibang Trip ToPanoorin dito ang Vlog #1 – https://www.youtube.com/watch?v=pfvBJ44kD3Y&t=15sThank you and God Bless You All The Way!*******************************************English TranslationTitle: Poor Old Lady, Helped by the Neighbors“LOVE YOUR NEIGHBOR, HOW YOU LOVE YOURSELF,” Jesus Christ Commanded Us. Vlog #2 is all about Nanay Anastasya who, at the age of 84 almost cannot walk properly because her back is crooked/ hunched. She rarely talks now to people because of her sensitive condition.One of the reasons that makes her life really hard right now is, she takes care of her granddaughter who is disabled since birth. Although her granddaughter spends her life lying in the bed, due to her weak body, she needs to ensure still that a proper care is administered to her granddaughter despite the unmet needs because of their situation.Right now, they only live with her relatives.Even though we can see in the video that Grandma Anastasya laughs, you can clearly see in her eyes the sadness and hurt. With our surprise to her dear friends, we pray and hope that the Almighty God will touch her no matter how painful and heavy her situation is.Thank you dear friends for watching the video.Please support our YouTube and Faecbook Channel.Please subscribe, like and share the Ibang Trip To Channel.YouTube Page: https://youtu.be/pfvBJ44kD3YFacebook Page: https://ift.tt/2De7b5t / YouTube / Instagram: Ibang Trip ToWatch Here Vlog #1 – https://www.youtube.com/watch?v=pfvBJ44kD3Y&t=15sThank you and God Bless You All The Way!
Posted by Ibang Trip 'To on Thursday, August 27, 2020
The post Kawawang matanda, pinagtulungan ng mga kapit-bahay appeared first on Daily Trending Feed.
Source: Daily Trending Feed