Gusto ng isang opisyal ng gobyerno na pagbawalan na ang mga miyembro ng Makabayan bloc na makatakbo sa mga susunod na eleksyon dahil sa diumano’y koneksyon nito sa CPP-NDF at sa rebeldeng grupong NPA.
Sa isang panayam sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi nila inaalis ang posibilidad na mawala na ngang tuluyan sa balota ang Makabayan na binubuo ng iba’t ibang party-list.
“Yes, I had said before that is an option, but we are doing it now. It is not only an option now, but we have firmed up our move and we will do that… you can be sure that we will go towards that direction as soon as possible,” ani Esperon.
Ang Makabayan ay binubuo ng 12 party-list: Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers, Anakpawis, GABRIELA, Kabataan, Katribu, Migrante, Akap-bata, COURAGE, Piston, Kalikasan at Aking Bikolnon.
Samantala, malabo rin diumanong gawing iligal ang red-tagging ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Tinawanan lang diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing ideya.
Ayon kay Sotto ay dapat magsampa na lamang ng kaso ang mga inaakusahan ng red-tagging upang mapatunayan sa korte na mali ang akusasyon laban sa kanila.
Uminit lalo ang usapin sa red-tagging matapos masawi sa enkwentro ng militar at NPA ang anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat.
Matatandaan na ilang buwan lamang ang nakakaraan ay ibinasura ng COMELEC ang petisyon para i-disqualify ang Makabayan Bloc noong 2019 national elections.
Ayon sa COMELEC ay hindi sapat ang ebidensiya na gumagawa nga ng hakbang ang Makabayan bloc na pabaksakin ang administrasyon ni Pangulong Duterte.
The post Makabayan bloc gustong i-ban sa mga susunod na eleksyon dahil sa diumano’y koneksyon nila sa CPP-NPA-NDF appeared first on Daily BNC NEWS.
Source: Daily BNC News