Humihingi ng tulong pinansiyal ang ilan sa mga kaibigan ni Christine Dacera dahil diumano sa nahihirapan ang ilan sa kanila na makahanap ng pera para pambayad sa abogado.
Matatandaan na pinangalanan ng mga otoridad na suspek ang lahat ng nakasama ni Dacera sa New Year’s Eve party.
Idinaan ng isa sa mga suspek na si Valentine Rosales sa social media ang paghingi ng tulong para sa kanilang legal expenses.
Gumawa din sila ng Facebook page na pinangalanan nilang “Fund The Truth” upang mas mapadali ang pakikipag komunikasyon nila sa mga taong gustong tumulong sa kanila.
“I would like to ask for your help to raise funds for me and my fellow friends who are struggling to finance a lawyer in assisting us in this situation & effectively defend us. Any amount of donation will mean alot & will be appreciated. thank you,” ani Rosales.
I would like to ask for your help to raise funds for me and my fellow friends who are struggling to finance a lawyer in assisting us in this situation & effectively defend us. Any amount of donation will mean alot & will be appreciated.
thank youpic.twitter.com/8Ms8QdmcwH
— Valentine Rosales ☾ (@valentinechenn) January 9, 2021
Kahit noong Enero 8 pa lamang ay ibinahagi na ni Rosales ang problemang pinansiyal niya dahil sa maari nitong harapin na kaso mula sa kampo ng mga Dacera.
“Financially struggling. Physically and Emotionally draining,” saad niya.
Ngunit pinuna ng ilang netizens ang tila panghihingi ng tulong pinansyal ni Rosales lalo na’t may mga kaya ito.
“Wow pangparty meron kayo. Pero lawyer wala? Hagilapin niyo yong connections niyo,” ani ng isang netizen.
May ilan pang nagsabi na maari naman silang humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office.
“Di ba may Public Attorney’s Office ( PAO ) para sa mga di maka afford ng abogado,” saad ni @jefhoy20.
Di ba may Public Attorney's Office ( PAO ) para sa mga di maka afford ng abogado.?
— GEOFF GUZMAN®
(@jefhoy20) January 9, 2021
Pinagtanggol naman ng ilan si Rosales at sinabing hindi basta basta ang gastos para sa abogado at siguradong hindi rin makakapaghanap buhay ngayon ang mga suspek dahil sa kinakaharap nila.
Matatandaan na naging kontrobersiyal si Rosales dahil sa nakita siya habang nilalambing ni Dacera sa isang CCTV footage.
Ngunit itinanggi ni Rosales na mayroon silang relasyon ni Dacera.
The post Mga kaibigan na naging suspek sa nangyari kay Christine Dacera, humihingi ng tulong sa netizens para pambayad sa abogado appeared first on Daily BNC NEWS.
Source: Daily BNC News