Inilalag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sina dating Senador Antonio Trillanes IV at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa kanyang pakikipag usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, ikinuwento ni Enrile ang diumano’y nalalaman niya tungkol sa isyu ng West Philippine Sea na pilit inaangkin ng China.
Ibinahagi ni Davao City Public Information OIC na si Jefry Tupas ang ilan sa mga sinambit ni Enrile sa Pangulo:
“Alam mo, alam po ninyo noong ako’y nasa Senado, Senate President ako noon, eh inimbita ako ni President Aquino isang hapon doon sa Palasyo, doon sa Cabinet room. Noong dumating ako doon eh ako ang unang dumating. Pangalawa, dumating si Senator Trillanes, pareho kaming senador noon eh mayroon siyang ibinubulong sa akin na “treason, treason.” Hindi ko naintindihan ‘yong gusto niyang sabihin pagkatapos noong dumating na si Albert del Rosario, kalihim ng Department of Foreign Affairs, at kasama niya ang Presidente umupo sila, bini-briefing kami Del Rosario tungkol doon sa nangyari sa Scarborough Shoal at mukhang nagkaroon ng alitan ang pangkat natin at ang pangkat ng Tsina doon.
“Ngayon, sinabi ni Trillanes na nagpunta siya sa Tsina at kinausap niya ‘yong mga namumuno sa Tsina tungkol doon sa bagay na — sa problema na iyon. Eh ako naman bilang Presidente ng Senado noon, tinanong ko sa kanya, “Sino — ano — anong karapatan mo nagpunta sa Tsina? Iyon ba ay kusang-loob mo lamang na nagpunta roon?” Sabi niya, “Hindi, nagpunta ako doon may authority ako.” “Eh sinong nag-utos sa iyo na pumunta roon?” Pagkatapos sumagot si Presidente Aquino sabi niya, “Ako ang nag-utos sa kanya.”
“Sinabi ko kay Presidente Aquino na dahan-dahan, Mr. President, medyo masalimuot yata ‘yan sapagkat hindi natin alam kung anong mga pinag-usapan nila — ni Trillanes doon sa mga kinakausap niya sa Tsina kaya mag-iingat tayo. Pagkatapos noon, si Secretary Del Rosario binigyan ako ng sulat ni Ambassador Brady natin sa Tsina na nagrereklamo na itong si Trillanes ay bina-bypass siya. Iyon pala si Trillanes ay pasok at labas sa Tsina na tila hindi na dumadaan sa Immigration dahil inuutusan yata siya ni Presidente Aquino. Kaya sinabihan ko sila na dapat huwag nating gawin iyon sapagkat bansa ang nauukol dito.
Nagkaroon ng mediation. Ngayon, ang mediator pala doon ay ang Amerika. Ang question ngayon na hindi ko masagot at hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang humingi ng tulong ng Amerika, ang Amerika ang nag-mediate. Nagkaroon ng kasunduan dahil sa mediation ng Amerika na umatras bawat Tsina at Pilipinas doon area ng Scarborough. Sinunod ng Pilipinas ‘yong kasunduan sa ilalim ng mediation ng Amerika pero ang Tsina ay hindi sumunod.
“Ngayon ang question ko, kung ang Amerika ang naging mediator, unang question: sino ang humingi ng tulong ng Amerika? Pangalawa, bakit noong hindi tinupad ng Tsina ang kasunduan na umatras din siya, bakit hindi man lang pinagsabihan ng Amerika ang Tsina na tuparin ‘yong kasunduan?
“Ang impression kumbaga eh parang ginamit lang tayo doon sa bagay na ‘yon, ano man na interest ang nauukol para sa Amerika hindi ko alam pero ganoon ang impresyon ko. Hanggang ngayon hindi ko masagot kung bakit ‘yong mediator natin ay hindi tayo tinulungan para tumupad naman ang Tsina para doon sa kasunduan na umatras sila kaya ngayon sila ang nakapuwesto doon, tayo nawala. Iyan po ang natatandaan ko na pangyayari diyan sa problema ng tinatawag natin na Panatag, isla ng Panatag.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dating Pangulong Aquino sa mga kwento ni Enrile.
Samantala ay pumalag naman si Trillanes at inamin na naging backchannel negotiator nga siya dahil pinagkakatiwalaan siyang lubos ng dating Pangulo.
Wag nyo ibahin ang usapan, wala sa Scarborough ang problema. Nalutas na ni PNoy yun. Wala ng mga barko ng China sa loob nun. Wala ring reclamation dun. Nasa Spratlys ngayon ang problema na ayaw harapin ni duterte.#duterteTraydor
— Sonny Trillanes IV (@TrillanesSonny) May 17, 2021
“Why did PNoy appoint me as backchannel negotiator? Because he found me trustworthy unlike Enrile.” ani Trillanes.
Matatandaan na naging usap usapan noon sa social media ang pag “walk-out” ni Trillanes habang kinukwestiyon ni Enrile ang kanyang pag punta sa China.
The post Enrile inilaglag si Trillanes sa kanyang kwento tungkol sa West Philippine Sea: “Nagpunta siya sa Tsina at nakipag usap doon” appeared first on Daily BNC NEWS.
Source: Daily BNC News