KC Concepcion, hinangaan matapos mangako na susunod sa patakaran ng gobyerno sa kanyang public apology

Hinangaan ng ilang netizens ang naging mensahe ng aktres at negosyante na si KC Concepcion sa kanyang public apology matapos niyang lumabag sa protocols na ipinapatupad sa Baguio City.

Ilang linggo na ang nakakaraan ay dumalo si KC sa birthday celebration ng kilalang television host na si Tim Yap kung saan makikita sa ilang litrato na hindi nakasoot ang ilang bisita ng face mask.

Isa si KC sa mga nakita na lumabag sa nasabing patakaran kaya’t pinagbayad siya ng multa na nagkakahalaga ng P1,500.

Hindi naman nagdalawang isip si KC na humingi ng tawad sa publiko dahil sa pagkakamali na kanyang nagawa.

Ayon sa kanya ay kahit na maging negative pa siya sa mga susunod na test ay hindi niya na kakalimutan na magsoot ng mask.

“From now on, even if we all test PCR negative, I will mask up anytime I’m in a crowd, for extra safety. I hope we all remind each other to do so, too. Let’s learn (& relearn) the safety precautions the gov has put in place for us, so we can take care of each other. Love to all,” saad ni KC.

Sa kanyang Instagram post naman ay nagpasalamat siya sa mga frontliners na ginagawa ang lahat para makontrol ang sitwasyon.

Ikinuwento niya rin na saglit niya lang tinanggal ang kanyang mask noong nasabing party.

“I do agree that keeping a mask on and not letting our guards down is the least we citizens could do. I personally apologize for not having kept my mask on 100% of the time during a gathering. ” ani KC.

“As I’ve learned, we can connect with each other and love each other, while still being extra careful for ourselves and one another. I let my guard down for 5 minutes- while I was vigilant 99% of the time, 99% is not enough,” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman ang pinuri si KC sa kanyang mensahe.

“You are totally different from ur sister. Stay the way u are KC. always be a good person despite having all the bad around us, always with grace and manners. Thats what kids needs now a days. Respect to authority and elderly. Your mom must be really proud of what u become,” saad ni @pinoy_optimism.

“Ganyan sana tumulong sa pagpapalaganap or pagkampanya ng safetyness ng taong bayan sa paggamit lagi ng face mask lalo na sa matataong lugar, di tulad ng half sister mo at step father mo na pamomolitika ang nasa isipan,” sabi ni Eliod Wagayen.

“How come miss kc has a brilliant mind compared to her sister …kc you are the best beauty with brain and a truè heart,” ani Ryneh Salinas Pach.

Pero may ilan din na pinagsabihan parin si KC kahit na naglabas na ito ng public apology dahil daw sa inilagay nito ang buhay ng ilang tao sa panganib.

“Nakakarindi na nga ang sampung buwan na reminders, from now on lang?? Yung baby na pinanganak 10 mos ago natuto na maglakad, ikaw natuto from now on pa lang?? Haay. Yeees. Love to all,” komento ni @perdiblec

The post KC Concepcion, hinangaan matapos mangako na susunod sa patakaran ng gobyerno sa kanyang public apology appeared first on Daily BNC NEWS.


Source: Daily BNC News

No comments:

Post a Comment