Hindi parin kumbinsido ang pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera sa findings ng mga otoridad kung saan sinasabi na ‘natural cause’ lang ang naging dahilan ng pagpanaw ng flight attendant.
Sa isang panayam ng 24 Oras, ipinakita ng PNP sa publiko ang latest medico-legal report sa mga labi ni Christine kung saan ay sinasabi na aneurysm talaga ang ikinasawi niya.
Ngunit hindi naniniwala ang ina ni Christine na si Sharon Dacera sa report na isinagawa ni Dr. Joseph Palmero na medico-legal officer ng PNP na nagsagawa ng autopsy sa katawan ng flight attendant.
Ayon sa kanila ay walang ibinigay na otoridad ang pamilya Dacera kay Palmero na i-examine ang labi ni Christine.
“With that report done by Palmero, we are questioning him. Then at the same time, based dun sa sabi niya na bahagi ng katawan ng anak ko, hindi po, wala po kaming authority na ibinigay sa kanya na kunin niya yun.” saad ni Mrs. Dacera.
Pinuna pa nila kung paano na examine ang katawan ni Christine na isinagawa noong Enero 11, kung ang nailipad na ang flight attendant sa kanyang probinsiya sa General Santos City, noong Enero 8.
Hindi rin daw naipaliwanag sa report kung saan nakuha ni Christine ang mga pasa sa kanyang katawan.
“Hindi ito autopsy report, kanya lang itong narrative at opinyon.” saad ni Atty. Brick Reyes, tumatayong abogado ng mga Dacera.
Ayon naman sa kampo ng mga respondents ay maari daw na nakakuha na ng sample ng organs ang PNP bago pa mailipad si Christine sa General Santos.
Patuloy parin ang imbestigasyon ng Makati City Prosecutor’s Office sa nasabing kaso.
The post Pamilya Dacera, kinuwestiyon ang medico-legal report na inilabas ng PNP tungkol kay Christine appeared first on Daily BNC NEWS.
Source: Daily BNC News