Valentine Rosales sinabi na mabuti daw at walang parusang bitay sa Pilipinas matapos mapagbintangan sa Christine Dacera case

Mabuti nalang daw diumano at hindi pa naibabalik ang capital punishment sa Pilipinas, ayon sa isa sa mga respondents sa nangyari sa flight attendant na si Christine Dacera.

Sa isang tweet, isinalarawan ni Valentine Rosales ang diumano’y pinsala na ibinigay ng pagiging suspek nila sa nangyari kay Christine.

Matatandaan na mariin nilang itinanggi na may ginawa silang masama sa flight attendant bago ito makita na wala ng buhay sa bath tub ng hotel na kanilang tinutuluyan noong Enero 1.

Inilabas na rin kahapon ng mga otoridad ang dokyumento na nagsasabi na “natural causes” ang dahilan ng pagpanaw ni Christine.

Ayon  kay Valentine ay marami silang masamang naranasan, katulad na lamang ng paglalagay ng patong sa kanilang ulo.

“I Hope People realize the Emotional, Moral, Physical, Mental Damage this has done to us? Imagine May pa 500k and 300k bounty? May pa 72-hour Hunt down pa? Only to prove what transpired that night was natural. It’s unfair!” ani Valentine.

“Poor Justice system. Goodness walang Deth penalty!” dagdag niya pa.

“Sisi pa more #truthwins,”

Isa si Valentine sa mga pinaka aktibo sa mga respondents sa kaso ni Dacera.

Ilang linggo lamang ang nakakaraan ay binatikos si Valentine dahil sa video nito na sumasayaw at inilagay ang apelido ni Christine bilang hashtag.

Matatandaan na isinusulong sa ilalim ng administrasyong Duterte ang pagbabalik ng parusang bitay upang magbigay ng takot sa mga nagbabalak gumawa ng masama.

Ngunit kinukwestiyon ng mga kritiko na baka may mga maling tao na maparusahan dahil na nga sa ‘poor justice system’ sa bansa.

 

The post Valentine Rosales sinabi na mabuti daw at walang parusang bitay sa Pilipinas matapos mapagbintangan sa Christine Dacera case appeared first on Daily BNC NEWS.


Source: Daily BNC News

No comments:

Post a Comment